Saturday, July 23, 2011

IKAW (7-23-2011)

Bakit ba ganto
Ang nararamdaman sayo?
Ako'y gulong-gulo,
Isang malaking sakit sa ulo.

Mahal kita,
Hindi ba halata?
Sa dinami ng tao sa mundo,
Ikaw ang pinili ng puso ko.

Ikaw ang nasa isip araw-araw
Ikaw lang ang inaasam
Ikaw ang hinahanap-hanap
Kulang ang aking araw pag di ka nakikita.

Ang aking panalangin?
Sana ako'y iyong mapansin.
Nakakabaliw mang isipin
Pero sana ako'y mahalin mo rin.

At kung magkatotoo man ito,
Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Habambuhay magkasama,
Gumagawa ng sarili nating mga ala-ala...

No comments:

Post a Comment